Mabuti na lang, ako’y iniwan mo.
Mabuti na lang, sya ang pinili mo.
Kahit masakit, masaya pa rin ako,
Puno ng ngiti, ang mga labi ko.
Pag-ibig ko sa’yo, ay nag-uumapaw
Ikaw ang nasa isip, sa gabi at araw
Kinikilig pa sa “I love you” mo
Pati sa lambing, ng boses mo
Umikot sa iyo, ang aking mundo
Paulit-ulit man, ako’y di nahihilo.
Dinuduyan-duyan, ng mga halik mo
Lumulutang-lutang sa mga yakap mo.
Akala ko ito, ay pang habang panahon
Sa iyong puso, ako’y nakabaon
Biglang isang araw, ikaw ay nag-iba.
Simula noong makilala mo siya.
Di nagtagal, ikaw ay nanlamig
Biglang naglaho, ang yong pag-ibig
Tuluyang gumuho ang aking mundo
Mula nang ako ay iwan mo.
Aking mundo’y inulan ng luha
Sakit sa dibdib ay pilit winala
Hanggang matutong kalimutan ka
Burahin sa isip ang ‘yong alaala.
Ngayo’y naririto, ako’y taas noo
At lubos, ang pasasalamat sa iyo.
Mabuti na lang, ako’y iniwan mo.
Tumatag ang puso at nagising ako!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento