Alam mo na ba, itong sasabihin ko?
Na sayo umiikot ang aking mundo?
Kilig to the bones ‘pag ka-text at ka-talk
Goodbye sa worries, tanggal ang antok.
Pero alam mo, what hurts me the most?
You’re so malantod, wala ka sa ayos,
Tama ba ang maki-flirt sa chatmate?
At sa mga ex’s, may words na intimate?
Ano bang meron sila, na wala ako?
Sobra ka na ha? napipikon na’ko!
Lahat na ginawa ko, di pa ba halata?
Bakit naman laging, nandun ang yong mukha?
Masakit, makirot, ang magmukhang tanga.
Pero tinitiis ko lang, wag ka lang mawala
Ano ang gagawin, upang mapa sa akin ka?
‘Yung buong buo, mula ulo hanggang paa.
Gusto kitang gulpihin, ipakain sa leon
Gusto kitang durugin, at itapon sa balon
Pero bakit ganito, hindi ko magawa?
Kakainis naman kasi, ba’t ba mahal kita?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento