Linggo, Nobyembre 6, 2016

Tula ng Pag-ibig, Pag-asa at Pananampalataya




DUROG NA PUSO
(tulang pag-ibig)

Anong ganda pala nitong kalangitan
Mula sa pagsilip ng kaliwanagan
Nagkislapang dyamante, ‘pag kagat ng dilim
Binabalot ang langit nitong mga bituin

Anong ganda pala, ‘pag nagwakas ang ulan
Pag nahawi ang ulap, mula sa karimlan
Nakangiti sa langit ang isang bahaghari
Binunot ang tinik, sa puso kong sawi

Kay ganda rin pala, ng kapaligiran
Sa halik ng liwanag, sila’y nagsasayawan
Mga dagat, mga puno at mga bulaklak
Lumuhang damdamin, ngayon ay nagagalak

May musika pala, sa huni ng mga ibon,
Sa langitngit ng kawayan at pagaspas ng alon
Sumasabay sa pagtibok nitong aking puso
Sa kanilang mga himig, pasakit ay naglaho

Nadurog ang puso, sa nakaraang pagsuyo
Di na napansin ang kagandahan ng mundo
Ngunit ngayo’y may musika at kulay ang paligid
Magmula ng ikaw, ay aking inibig

 ---------

HAKBANG
(tula ng pag-asa)

Sa panahong ang ‘yong araw
Ay magtatago sa ulap
Sa oras ng kadiliman
Ligaya’y di mahagilap

Kung ang mata’y nabubulag
Di makita ang daanan
Kung ang kalsada’y maputik
At wala kang malakaran

Luluha ang iyong mata
Malulungkot, magdurusa
Madudurog ang ‘yong puso
Sa yakap ng panibugho

Ang mahigpit mong paghawak,
Mga kamay, bumibitak
Mahuhulog sa kawalan
Lahat ay mabibitiwan

Takot ay ‘yong kalimutan
Luha mo ay papahiran
Ika’y aking sasaluhin
Hahanguin ka sa dilim


Hawakan mo’ng aking kamay
Lalaban tayo ng sabay
Tatalikdan ang pagsuko
Sabay hakbang papalayo

------


ALAY
(tula ng pananampalataya)

Humayo! magdiwang!
Ikalugod ang kaloob Niyang buhay
Magpasalamat! Manalig!
Damhin ang angkin nitong kulay

Sa gitna ng kadiliman
Liwanag Niya ay pinaghari
Sa malungkot na langit
Nilikha Niya ang bahaghari

Sa tahimik na paligid
May awit ang mga ibon
May ihip ng amihan
Na ginhawa ang layon

May araw, may ulan
May hamog at bulaklak
Lahat ng ginhawa
Sa iyo’y Kanyang pinalasap

Luha mo’y papahirin
Mga hiling mo’y ipagkakaloob
Sa taimtim mong panalangin
Siya sayo’y malulugod

Pinakamahalaga niyang handog
Ay ang iyong buhay
At kung paano mo ito gamitin,
Ito sa Kanya, ang iyong alay




ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 8 








Linggo, Disyembre 27, 2009

Stolen Kisses

I love your rosey glittering cheek,
And your red and kissable lips,
Your eyes that make me melt inside
Your face that make me mesmerize.

I love the way you stare at me.
Those naughty looks, I crave to see
I love to hear those sweet giggles
That make my heart beat in stumble.

Your pictures are here in my bed
So in your arms, I lay my head
I want to see you in my dreams
Where in my chest, you want to lean.

I didn’t mean to hurt your feeling
Or make you mad when we were talking
I Just can’t help it, I can’t resist
I’m sorry for those stolen kisses!

Tumatambling na damdamin

Ay naku naman, nakita ulit kita
Ang dibdib na naman ay kakaba-kaba
Tumalon-talon, at biglang nagtumbling
Nagbabakasakaling, iyong mapansin

Kagabi lamang, tayo’y magkapiling
Sa tabing dagat, holding hands while walking.
Kainis lang si nanay, bigla akong ginising
Tanghali na pala, nawala ang aking dream

Paano ba sasabihin lahat sa iyo?
Ang nilalaman ng atay at puso ko?
Iniisip ko lagi na ako sayo’y dyahe
Kaya eto ngayon, ako’y natotorpe

Makita ka lang, super saya ko na
E paano pa kapag nakausap ka?
Sana magkatotoo, lahat ng panaginip ko
Ang pinapangarap kong sana’y maging tayo!

Kainis naman kasi, bat ang ganda ng mata mo?
At kakakit akit pa ang kissable lips mo.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin
Laging nangangarap na ika’y mapasa-akin!

Pisong Puso

Kung susukatin mo, ang halaga ng puso ko,
At kung nanaising, mapasa-iyo ito,
Wag kang mag-alala, ito’y di tulad ng iba
Ang kailangan ko lang ay pagpapahalaga.

Hindi na kailangan, mamahaling alahas
Ginto o dyamanteng singsing at kwintas
Gaano man kamahal, laman ng regalo
Kung di ako mahal, ako’y di para sa’yo

Isang tumpok man, ng mga bulaklak
Mula sa iyo’y aking matatanggap
Kung sa piling mo naman, ako’y iiyak
Mas mabuti pang, wag nang magpanggap

Kotse, bahay, palamuti sa katawan.
Di ito ang tunay, kong kinakailangan.
Simpleng pag-alaga, at pagmamahal
Isang tunay na pag-ibig at magtatagal.

Hindi milyon-milyon, o libo-libo
Ang halaga ng puso kung bibilhin mo.
Basta tapat ang pag-ibig mo,
Para sa iyo, ang puso ko’y piso.

Sabado, Disyembre 26, 2009

Ode to you

When helps seems to disappear,
And I feel that, failure’s here,
I just sit and seek your smile,
And look into your loving eyes.

When my blue clouds turn to gray,
And something in my mind had bear
Your loving arms, and warm embrace
Put this smile back on my face.

As I swim in the ocean of sorrow
And then I feel a little hollow
Your love became my biggest ship
And I would not have to sink

Whenever my tears, drop like rain
And I suffer to all this pain
These gentle touch of your soft lips,
Heals this wound no matter how deep

I thank you for this love you gave
I’ll take it even in my grave
And with this poem, I’d like to say
I love you more and more each day.

Near yet far

I love to see the stars at night
How it glitters, oh so bright
‘Cause with it, I see your eyes
How it stare me with a smile

I love the wind’s gentle breeze
And touch my face before I sleep.
‘Cause with it I feel your lips
Giving me your softest kiss.

I love to hug my teddy bear
Squeeze it with a gentle care
‘Cause with it I feel your here
I’m hugging you like you are near.

I love to stare this picture of you
Just a glimpse of pretty view
So in my dreams we can be together
Sharing this love that lasts forever.

I love this blanket when I sleep
Giving me romantic heat
I feel you, your warm embrace
That in my mind I can’t erase.

I love them all, from them I feel
The love of you, like your so near
Doesn’t matter how far we are
Our love will never torn apart.

Mundong Gumugulong

I heard your voice this morning lang
Kilig from atay to balunbalunan
Your sweet pa rin, walang pinagbago
Nag-tik-tak-tik-tak, ang puso ko

Nabasa ko ang text mo kanina
Sa sobrang tuwa, ako’y napaluha
Walanghiya! Walang hiya talaga!
Katulad mo, miss na miss din kita.

Hay naku! Hanggang kailan kaya?
Matatapos itong ating pagtitiyaga.
Tulad ng sinabi mo noon
Eto ako, still holding on.

Inggit ako sa nakita ko kanina
Huhuhu, na-miss lalo kita
Buti pa sila magka-holding hands
Sana tayo din kahit saglit man lang

Promises daw ay made to be broken
Naku wag naman sana mangyari sa atin.
Sana katulad noong narito ka pa
Pag-ibig mo’y di mag-iiba.

Sana naman, wag kang magbabago
At wag sasaktan ang damdamin ko
Dahil sa akin ika’y sigurado
Sa iyo gumugulong ang aking mundo.