Umiiyak si Nene, nagugutom si Totoy
Nangungutang si Ate, doon kay Mang Roy
Itong si Inay, abala sa labada
Si Itay naman, ay namamasada.
Tumigil si Kuya, sa kanyang eskwela
Katulong ni Ate sa mga kapatid nya
Paano na ngayon, ang kanilang kinabukasan?
Kung lalaki silang, walang pinag-aralan.
Uuwi si Itay ng namomroblema
Paano pagkasyahin, ang kanyang kinita?
Pagdating ni Inay, mag-aaway pa.
Mainit ang ulo, dahil sa problema.
Dapat bang magdusa, ang mga kabataan?
Kung kapabayaan ay nasa magulang.
Sa dami ng anak, paano bubuhayin
Paano gagampanan, ang kanilang tungkulin?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento